Huwebes, Abril 25, 2013

Ritz Azul,sinabing masuwerte siyang si Derek ang kanyang naging 'first kiss'

Sina Derek Ramsay at Ritz Azul

      Masuwerte raw si Ritz na ang first kiss niya ay isang Derek Ramsay. 

     “Oo naman, oo naman!

     "Siyempre napaka-professional pa ni Derek and, iyon, masasabi ko na si Derek Ramsay ang first kiss ko.

    “Parang ganoon. Siyempre kapag first kiss na ganyan, tinatanong, ‘Sinong first kiss mo?’

     “O, ako, masasabi ko, 'Derek Ramsay!' Parang ganoon!” sabay-tawa ni Ritz.

     Patuloy ng dalaga, “Ang sa akin lang din, trabaho iyon, nasa script and hindi na rin naman ako sobrang bata, nagma-mature na rin naman ako.

     “And iyon yung hinihingi ng eksena.

     "Tinanong ko din yung parents ko. Sabi nga, okay naman sa kanila.

     “Basta depende sa akin, sumusuporta lang sila sa akin. Ganoon.”




credits to: pep.ph

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tweets by @tv5fanatic