Miyerkules, Abril 24, 2013

Derek Ramsay at Eula Caballero,magsasanib-pwersa sa engrandeng pagtatapos ng Kidlat

Derek Ramsay bilang si Kidlat at Eula Caballero bilang si Cassandra

     Sa nalalabing dalawang linggo ng matagumpay na heroseryeng Kidlat ng Kapatid Network, magiging maaksyon ang bawat laban at maraming eksenang kaabang-abang ang magaganap.

     Magtatapos ang serye na may sorpresang pakikipagsanib-pwersa ni Kidlat sa bagong superhero ng bayan na si Cassandra, ang mandirigmang anghel, laban sa mga kalabang kampon ng kasamaan. Ang Primetime Princess na si Eula Caballero ang gumaganap sa title role sa Cassandra:Warrior Angel, ang papalit sa heroseryeng Kidlat.

     Ang pagsasamang ito ng dalawang orihinal na kathang superhero ng TV5 ay hindi lamang pagbibigay ng hudyat sa nalalapit na pag-ere ng Cassandra:Warrior Angel. Ito ay hudyat din nang paggawa pa ng mga original superhero ng Kapatid Network.

    “This is only one of the many superhero crossovers that we plan to produce in the future,”pagkumpirma ni TV5 FVP for Creative and Entertainment Production Perci Intalan. “Viewers have responded so well to ‘Kidlat’ and we hope that this fresh offering will be something that the fans will enjoy.”

     Mga Kapatid, huwag kalimutang tutukan ang huling dalawang linggo ng pakikipaglaban ni Kidlat. Lunes-Biyernes, 7PM pagkatapos ng Aksyon Prime sa TV5.

     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tweets by @tv5fanatic