Miyerkules, Abril 24, 2013

Derek Ramsay at ex-girlfriend na si Solenn Heusaff,magsasama sa isang pelikula

Derek Ramsay at Solenn Heusaff
 
     Makakatrabaho ng Kapatid Hunk na si Derek Ramsay ang isang pares na naman ng leading lady sa susunod niyang proyekto sa big screen at isa dito ang dati niyang girlfriend na si Solenn Heusaff.

     Sinabi ng bida sa heroseryeng Kidlat ng TV5 na si Derek sa News5 na ang gagawing pelikula ay ang kanyang susunod na proyekto sa ilalim ng Viva Films, bilang follow-up sa blockbuster movie na A Secret Affair kung saan kasama niya sina Anne Curtis at Andi Eigenmann. 

     Magbibida ang Ultimate Leading Man kasama sina Lovi Poe at Solenn Heusaff--- na naging girlfriend niya nung mga model pa lang sila at hindi pa pinapasok ang mundo ng showbiz. Excited na si Derek na makatrabaho ang Kapuso actress sa unang pagkakataon simula nang maging celebrity sila.

      “The four years I was with Solenn I saw her many talents. But never this, never acting. So I wanna see that. I’m so excited actually,”sabi ni Derek.

      “She’s a very talented girl. Everything that that woman touches turns to gold,” dagdag nito.

       Ang nasabing proyekto ay maaaring maging isa sa panlaban ng Viva Films sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.



source: interaksyon

     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tweets by @tv5fanatic