Linggo, Abril 28, 2013

Eula Caballero,susundan ang yapak ni Alex Gonzaga

TV5 Primetime Princess Eula Caballero

      Sa pag-alis ni Alex Gonzaga sa TV5, naiwan ang korona ng pagiging TV5 Primetime Princess ng Kapatid Network. Sa nalalapit pagsisimula ng inaabangang panibagong heroserye ng TV5 na Cassandra:Warrior Angel kung saan si Eula Caballero ang gaganap sa title role, nararamdaman ng batang aktres ang pressure dahil sa inaasahan ng lahat na siya ang sunod na hahawak ng titulo at magdadala ng responsibilidad bilang TV5 Primetime Princess. Pero ikinokonsidera niya ito bilang challenge sa kanyang kakayahan bilang aktres.

      "Sobrang pressure at napakalaking responsibility para sa kin itong ‘Cassandra’ para pero sobrang tuwa at pasasalamat ko to TV5 for giving me this project. Kaya naman po I’m doing everything I can to deliver my best para hindi naman nakakahiya sa management," sabi ni Eula nitong nakaraang Martes sa ginawang solo presscon at photo exhibit ng kanyang pictorial sa photographer na si Ronnie Salvacion.

      “Napakalaki ng na-i-contribute ni Ate Alex sa TV5 at napaka-generous at napaka-supportive niya sa akin nung nagkasama kami sa ‘Enchanted Garden’. So kahit po nadagdagan ang pressure sa akin to deliver pag-aalis niya, isang malaking challenge ito para sa akin”, dagdag pa ni Eula.

      Makakasama ni Eula sa proyektong ito ang ilan sa mga beterano at subok na pangalan sa mundo ng pag-arte na sina Gabby Concepcion, Eula Valdez, William Martinez, Pen Medina, Mercedes Cabral, Biboy Ramirez, Art Acuña at Vangie Labalan. Samahan pa ng hindi lang isa kundi tatlong leading men na sina JC de Vera, Victor Silayan at ang bagong Kapatid na si Albie Casiño.

       Abangan ang patikim na pakikipaglaban ni Eula bilang Cassandra sa kanyang pakikipagtulungan kay Kidlat sa huling limang araw nito. Magsisimula ang Cassandra:Warrior Angel sa Lunes, May 6, pagkatapos ng Aksyon sa TV5.

Two Eulas: Eula Caballero and Eula Valdez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tweets by @tv5fanatic