Miyerkules, Abril 24, 2013

VIDEO | Pinagbibidahang indie movie ni Marvelous Alejo na "Time in a Bottle", mapapanood na ngayong Hulyo

 
TIME IN A BOTTLE, indie dramatic drama movie
na pinagbibidahan ni Marvelous Alejo.

      Hindi man pinalad si Marvelous Alejo na maitanghal bilang best actress sa nagdaang reality search ng TV5 na Artista Academy nitong nakaraang taon, sa tuloy-tuloy na proyektong tinatanggap nya sa pangangalaga ng Kapatid Network, wala nang mahihiling pa ang 16-year-old native ng Valenzuela.

     “I’m happy with TV5. Kaka-guest ko lang sa ‘Never Say Goodbye’ where I play the young version of Miss Rita Avila’s character, Greta Pendleton, that appear in flashbacks. Masaya po ako sa mga feedback ng viewers sa performance ko dito,” sabi ng batang aktres sa Interaksyon.

     Bukod sa Never Say Goodbye, napanood din si Marvelous sa espesyal na handog ng Istorfik: Pidol's Kwentong Fantastik ngayong Abril, ang Robin Dude kung saan gumanap siya bilang si Samara, ang babaeng ahas, kontrabida sa kapwa alumni sa Artista Academy na sina Akihiro Blanco at Chanel Morales.

     “Ako ‘yung aakit kay Robin Dude so ibang Marvelous po ang makikita niyo dito. Si Akihiro Blanco po ng ‘Artista Academy’ ang bida dito at ang kanyang ka-love team, si Chanel Morales,” sabi ni Marvelous “Other than that, may mga events din po na binibigay ang TV5 like PLDT My DSL motorcade every Saturday with Nicole Estrada. Umiikot po kami sa ibat ibang areas sa Metro Manila.”

     Excited na rin si Marvelous sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang pangalawang indie film, ang romantic drama na may pamagat na "Time in a Bottle" kung saan gumaganap siya bilang bida.
      “I’m playing the role of Olivia Bellasol. Disabled ako dito na na-in love sa isang guy na disabled din po. Physically, mahirap itong role kasi dapat hindi gumagalaw talaga ‘yung paa at lagi akong binubuhat. May mga scenes nga po na nakakalimutan kong may kapansanan ako at bigla po akong tumatayo kaya tawanan po lahat,” pag-alala ni Marvelous.
      Inamin din ni Marvelous na naging inspirasyon niya para mapagtagumpayan ang kanyang role, ang direktor niya na si Direk Ron Sapinoso, na pahirapan sa pagkilos dahil sa dinaramdam na cerebral palsy.

     “Hirap po maglakad si Tatay Ron at hindi niya kontrolado ‘yung isang kamay nya. Pati nga po sa pagsasalita medyo minsan mahirap maintindihan kaya nga po mas lalong nakakahanga. Parang naaawa nga po ako sa role ko kasi struggle ang bawat kilos ko araw-araw tapos naiisip ko pa ganun pala ang kalagayan ni Tatay Ron. Kaya lagi n’ya akong bininiro kapag nahihirapan ako sa mga scenes. ‘Anak, alam mo na pakiramdam ko ngayon?’, sasabihin niya sa akin,”sabi nito.

      Pero kahit na nahirapan si Marvelous sa kanyang role bilang disabled person, sinabi niyang marami din siyang karanasang hindi niya malilimutan.

     “Mahirap po ‘yung scene na sinasaktan ako ng tatay ko (played by Jeff Fernandez) kasi hindi ko sya sinunod ang bilin nya. ‘Yung mga takas scenes namin ni Rafael ( Wolf Angelo) at pati na rin po yung paulit ulit na take sa dance scene with my tita Emilia ( Alma Munar) and kuya Albert (Bonic Marco) kasi di ko po talaga mapigil yung pagtawa dun,” dagdag nito.

     Sinabi din ni Marvelous na komportable na siya sa kanyang direktor, kapwa cast at mga crew nang naturang indie. Ang "Time in a Bottle" ay pangalawang proyekto na ni Marvelous sa ilalim ni Direk Sapinoso, sinundan ang naunang indie movie niya na "Mangkukulob" kung saan gumanap siya bilang bampira.

     “Naging light and sobrang saya po nmin sa shoot kasi family na po kami talaga sa LipaDiwa Productions. ‘Yung mga locations po namin magaganda rin po talaga at mababait mga taong nakikilala namin, kaya memorable po ang bawat araw ng shoot,” turan ng batang aktres.

     Ngayong nakatakda nang ipalabas ang indie movie sa Hulyo,hindi sigurado si Marvelous kung may planong isali ang indie movie sa mga film festivals sa Pilipinas o sa ibang bansa. Sinabi ng batang aktres na masaya na sila ng kanyang Tatay Ron sa ginawa nila na tinawag niyang kanilang "dream project."

      “Ang goal po talaga ni Direk Ron ay ‘yung mapansin lang po kami kahit papaano. Kaya masaya na po kami kapag napupuri ng iba ‘yung gawa namin.”



Kapatid star Marvelous Alejo



souce: interaksyon


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tweets by @tv5fanatic