Umabot sa 3,383 ang lumahok sa Philippine Popular Music Festival ngayong 2013 pero namili lang sila ng top 12.
Karamihan sa mga sumali ay nanggaling pa ng Hong Kong, Singapore, Japan, Germany, China, Qatar, Abu Dhabi, Australia, Canada, Norway, Saudi Arabia, United States, Ireland, United Kingdom, Thailand, at Macau. Pero kinailangan lang nilang mamili ng 12 finalist.
May 67% porsiyento ng mga lahok na awitin ay isinulat sa Tagalog habang 37 porsiyento ang sa Ingles.
Gayunman, ayon kay Philpop Music Foundation Executive Director Ryan Cayabyab, itong taong ito ang merong napakaraming iba’t ibang klase ng mga sumali. “Nakarinig ako ng maraming rock, pop, rap, hip hop, folk, R and B, manaka-nakang swing at dance music. Meron pang nagtangkang gumawa ng modernong Kundiman at ilang novelty song na umaaliw sa adjudicating panel,” sabi ni Mr. C.
Kabilang sa bumubuo sa adjudicating panel ang iginagalang at kilalang mga professional sa music industry, record label executive, musikero, kompositor, singer, artists, radio personalities, at academicians. Kinailangan pang punuan ng organizing committee ang may 140 puwesto sa buong apat na stage na screening process.
“Mahirap pag-isipan sa simula. Hindi biro ang salain ang mahigit tatlong libong kanta pero halos naperpekto ng Philpop ang sistema. Maraming puwedeng winner. Maraming puwedeng hits. Mahigit sa kalahati ng 12 finalists ang nangingibabaw. Hindi maaaring magkamali ang apat na set ng panelist. Humataw din ang tinatawag na dark horses. Nakakatuwa,” sabi pa ni Cayabyab.
Sa ilalim ng liderato ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan,
ang foundation na naghahangad na makisangkot sa pagpapaunlad ng bansa
sa pamamagitan ng musika ay lumalarga sa pagtukoy sa karapat-dapat na
songwriters na maaaring makapagbigay ng inspirasyon at makapagbunsod ng
positibong pagbabago sa pamamagitan ng kanilang awitin at binibigyan
sila ng pagkakataon na makilala. Pinalalakas pa ito ng board of
director na pinangungunahan nina Ricky Vargas, Ogie Alcasid, Noel
Cabangon, Doy Vea, Al Panlilio, Patrick Gregorio, Randy Estrellado at Butch Jimenez.
Ang million-peso champion ng unang Philippine Popular Music
Festival ay si dating Akafellas member Karl Villuga sa pamamagitan ng
kanta niyang Bawat Hakbang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento