TV5 Superstar Nora Aunor
Ang Superstar na si Nora Aunor ay hinirang na Pinaka-Pasadong Aktres, para sa Thy Womb, ng award-giving body na ito na binubuo ng mga guro sa iba't ibang antas at disiplina.
Nasa venue rin ang direktor ng Thy Womb na si Brillante
Mendoza at ang kanyang story/screenwriter na si Henry Burgos; kapwa rin
sila nanalo bilang pinaka-Pasadong Direktor at mandudulang pampelikula,
respectively.
Bagamat madalas nang nakakadalo si Ate Guy sa awarding ceremonies ng
international filmfests, ang pagdalo at personal niyang pagtanggap ng
parangal mula sa locally-based awarding groups, tulad ng PASADO, ay
pinapahalagahan pa rin ng Superstar.
Ang malaki niyang dahilan ay ang kanyang fans.
Sabi ng aktres, "Sila po ang masasabi ko na totoong magmahal na hanggang ngayon, nandiyan pa.
"Mahalaga po ang award na ito para sa akin dahil sa mga fans na patuloy na sumusuporta.
"Sila po yung... magmula noon, hanggang ngayon, nandiyan at matapat na sumusubaybay.
"Nung araw, yung baon nila, itinatago nila para mapanood ang pelikula ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento