Martes, Abril 30, 2013

JC de Vera,nagdalawang-isip tanggapin ang proyektong Cassandra

Kapatid Hunk JC de Vera

     Wala na palang kontrata si JC de Vera sa TV5 nang tinanggap ang bagong superhero series ng Kapatid Network na Cassandra: Warrior Angel na ginagampanan ni Eula Caballero.

     Ayon kay JC, nung March pa nag-expire ang kontrata niya sa TV5 pero hindi pa napag-uusapan ang renewal.

     Binigyan naman ito ng basbas kung gusto nitong i-entertain ang ideyang paglipat sa ibang network.

     Pero ang isa pala sa gustong ayusin ni JC ay ang kontrata niya kay Tita Annabelle Rama bilang manager nito.

    Hanggang ngayong buwan na lang ang kontrata niya sa Royal Era Entertainment ni Tita Annabelle at pinag-iisipan pa nito kung magri-renew siya o maghanap ng ibang manager.

     Kaya hindi muna siya pumirma uli sa TV5 o lumipat sa ibang istasyon dahil gusto muna niyang ayusin ang sa kanila ni Tita Annabelle.

    “Medyo naguluhan din ako mag-decide kung tatanggapin ko ang Cassandra o hindi kasi alam ko na tapos na ang contract ko with TV5. Alam ko na matatapos din ‘yung kontrata ko kay Tita Annabelle.

     “So, very crucial siya for me kasi hindi mo alam kung ano ang mangyari for the next month,” pahayag ng Kapatid actor.

     Malaki ang utang na loob niya sa TV5 kaya niya ito tinanggap.

     Sa May 6 na magsisimula ang Cassandra: Warrior Angel ng alas-siyete ng gabi at dito huhusgahan si Eula kung siya nga ang karapat-dapat na tawaging Teleserye Princess ng Kapatid Network.



credits to: philstar.com

PHILPOP,namili na ng 12 finalist



     Umabot sa 3,383 ang lumahok sa Philippine Po­pular Music Festival ngayong 2013 pero namili lang sila ng top 12.

     Karamihan sa mga sumali ay nanggaling pa ng Hong Kong, Singapore,  Japan, Germany, China, Qa­tar, Abu Dhabi, Australia, Canada, Norway, Saudi Arabia, United States, Ireland,  United Kingdom, Thai­land, at Macau. Pero kinailangan lang nilang mamili ng 12 finalist.

     May 67% porsiyento ng mga lahok na awitin ay isinulat sa Tagalog habang 37 porsiyento ang sa Ing­les.

     Gayunman, ayon kay Philpop Music Foundation Executive Director Ryan Cayabyab, itong taong ito ang merong napakaraming iba’t ibang klase ng mga sumali.  “Nakarinig ako ng maraming rock, pop, rap, hip hop, folk, R and B, ma­na­ka-nakang swing at dance music. Meron pang nagtangkang gumawa ng modernong Kundiman at ilang novelty song na umaaliw sa adjudicating panel,” sabi ni Mr. C.

     Kabilang sa bumubuo sa adjudicating panel ang iginagalang at kilalang  mga professional sa music industry,  record label executive, musikero, kompo­sitor, singer, artists, radio personalities, at academi­cians. Kinailangan pang punuan ng organizing com­mittee ang may 140 puwesto sa buong apat na stage na screening process.

     “Mahirap pag-isipan sa simula. Hindi biro ang salain ang mahigit tatlong libong kanta pero halos naperpekto ng Philpop ang sistema. Maraming puwedeng winner. Maraming puwedeng hits. Mahigit sa kalahati ng 12 finalists ang na­ngi­ngibabaw.  Hindi maaaring magkamali ang apat na set ng panelist. Humataw din ang tinatawag na dark horses. Nakakatuwa,” sabi pa ni Cayabyab.
 
     Sa ilalim ng liderato ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan,  ang foun­dation na naghahangad na makisangkot sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng  musika ay lumalarga sa pagtukoy sa karapat-dapat na songwriters na maaaring makapagbigay ng inspirasyon at makapagbunsod ng po­siti­bong pagbabago sa pamamagitan ng kanilang awitin at binibigyan sila ng pag­kakataon na makilala. Pinalalakas pa ito ng board of director na pinangungunahan nina Ricky Vargas, Ogie Alcasid, Noel Cabangon, Doy Vea, Al Panlilio, Patrick Gregorio, Randy Estrellado at Butch Jimenez.

     Ang million-peso champion ng unang Philippine Popular Music Festival ay si dating Akafellas member Karl Villuga sa pamamagitan ng kanta niyang  Bawat Hakbang.

Eula Caballero,handang magpakadaring basta hindi bastos

TV5 Primetime Princess Eula Caballero

     Bongga ang mga ginagawa ng TV5 para sa nalalapit na airing ng Cassandra: Warrior Angel na pagbibidahan ni Eula Caballero. Nakailang presscon na sila para sa ipaalam sa tao ang nalalapit na pilot ng show at ang biggest preparation nila ay ang pagpasok ng karakter ni Eula Caballero bilang si Cassandra sa last week ng Kidlat.

     Magandang abangan kung paano magkikita sina Kidlat (Derek Ramsay) at Cassandra at kung paano ang kanilang magiging ugnayan.

     Samantala, tinanong si Eula kung handa na siya sa daring role after niyang mag-18 years old. Hindi kasi puwedeng puro wholesome role lagi ang lalabasan niya, magsasawa ang tao.

     “Hindi ko pa sure kung gaano ka-daring o ka-sexy ang kaya kong gawin. Personally, hindi pa ako ready sa sobrang sexy roles. Pero ’di ko isinasara ang possibility in doing edgy and daring roles. Basta dapat maayos lang at hindi bastos tingnan,” sabi nito.

     Malaki ang tiwala ni Eula sa TV5 at sa kanyang management na hindi siya pababayaan. Sabi nito, lahat ng projects na ibinibigay sa kanya ng network at nakakatulong para mas maging mahusay siyang artista.



credits to: philstar.com

JC de Vera,may pasabog ngayong Hunyo

TV5 Primetime Prince JC de Vera

     Marami ang naintriga sa sinabi ng Kapatid Hunk na si JC de Vera na may malaking pagbabago na mangyayari sa buhay niya sa June 2013.

     Kanya-kanya ng hula ang mga intrigera at tsismosa.

     A. Magpapakasal na ba raw si JC sa June dahil ito ang wedding month? B. Magiging tatay na ba siya sa June? C. Babalik si JC sa GMA 7? at D. Lilipat siya sa ABS-CBN?

     Walang nakakaalam sa tumpak na kasagutan dahil tikom ang bibig ni JC. Malakas ang hula na mag-oober da bakod siya sa ibang TV network dahil tapos na ang kanyang three-year non-exclusive contract sa TV5. Lumipat ang aktor sa TV5 noong March 2010 at ngayong 2013 ang expiration ng kanyang kontrata.


credits to: philstar.com

Nora Aunor,tinanghal na pinaka-PASADOng Aktres sa ginanap na 15th Gawad Sining Sine ng PASADO

TV5 Superstar Nora Aunor

    Ang Superstar na si Nora Aunor ay hinirang na Pinaka-Pasadong Aktres, para sa Thy Womb, ng award-giving body na ito na binubuo ng mga guro sa iba't ibang antas at disiplina.

     Nasa venue rin ang direktor ng Thy Womb na si Brillante Mendoza at ang kanyang story/screenwriter na si Henry Burgos; kapwa rin sila nanalo bilang pinaka-Pasadong Direktor at mandudulang pampelikula, respectively.

     Bagamat madalas nang nakakadalo si Ate Guy sa awarding ceremonies ng international filmfests, ang pagdalo at personal niyang pagtanggap ng parangal mula sa locally-based awarding groups, tulad ng PASADO, ay pinapahalagahan pa rin ng Superstar.

     Ang malaki niyang dahilan ay ang kanyang fans.

     Sabi ng aktres, "Sila po ang masasabi ko na totoong magmahal na hanggang ngayon, nandiyan pa.

     "Mahalaga po ang award na ito para sa akin dahil sa mga fans na patuloy na sumusuporta.

     "Sila po yung... magmula noon, hanggang ngayon, nandiyan at matapat na sumusubaybay.

     "Nung araw, yung baon nila, itinatago nila para mapanood ang pelikula ko.

Superstar Nora Aunor,humingi na ng paumanhin sa di pagdalo sa 50th anniversary ni Kuya Germs

Superstar Nora Aunor

     Magkasunod na dumating ang Superstar na si Nora Aunor at ang Master Showman na German "Kuya Germs" Moreno sa 15th Gawad Sining Sine ng PASADO sa National Teachers College (NTC) noong Sabado ng gabi, Abril 27.

     Halos minuto lang ang pagitan ng pagdating nila, upang personal na tanggapin ang mga parangal na laan sa kanila o sa kanilang talent.

     Nang makarating sa loob ng bulwagan, sa front row seats, ay agad tumabi si Ate Guy kay Kuya Germs.

     Mahigit isang oras nag-usap ang dalawa; nagbubulungan pa sila habang magkatabi.

     Sa marahan niyang tinig ay humingi ng paumanhin si Nora kay Kuya Germs, at bagamat alam na ng TV host ang dahilan, ay inulit ito ng aktres—ang pagtapos ng shooting niya para sa indie film na Ang Kuwento Ni Mabuti sa Nueva Vizcaya—kaya hindi siya nakadalo sa 50th anniversary special ni Kuya Germs noong April 24 sa Resorts World Hotel sa Pasay City.

     Naunawaan naman daw ni Kuya Germs ang sitwasyon ng kaibigang Superstar.

     Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay inusisa namin kay German ang tungkol sa pag-uusap nila ni Nora.

     "Ay, hindi ko naman daramdamin ‘yon, ano? Alam mo naman, maunawain naman ako..." sabi ng beteranong TV host.

     As for Nora, masaya siya nang gabing iyon na nagkausap na sila ni Kuya Germs.

     "Hindi naman magagalit talaga sa akin si Kuya Germs. Mahal ako nun," sabi pa ng Superstar.

     May mga namumuna laban kay Nora dahil sa hindi niya pagdalo sa event ni Kuya Germs.

     Pero hindi iyon kagustuhan ng Superstar, kung tutuusin, dahil ang pangyayari ay bilang pagtugon din niya sa ninais ng TV5 management na ma-prioritize ang pagkumpleto ng shooting para sa Ang Kuwento Ni Mabuti ni Direk Mes De Guzman.

     Ang nasabing indie film ay entry sa Cine Filipino Film Festival na gaganapin mula June 26 hanggang July 2, 2013.



credits to: PEP.ph

Daniel Matsunaga, itinanggi ang pagkakalink kay Kris Bernal

 
TV5 actor/model/endorser Daniel Matsunaga

      May mga nagsasabi na nakikitta nila ang Kapatid Hunk na si Daniel Matsunaga na lumalabas kasama ang Kapuso actress na si Kris Bernal. Nang tanungin si Daniel tungkol dito, sumagot ang TV5 actor habang tumatawa.

     “Huh?! Ano’ng nangyari? Hindi ko alam iyan!

     "Ano ba iyan? Baka iba iyon. Di ako iyon, seryoso ako. You ask Kris Bernal. You ask her.

     "Oo, friends kami. I did work with her in The Last Prince sa GMA, doon ako nag-umpisa sa career ko.

     “What happened with Kris Bernal [was] a long, long time ago.”

     "We're friends. [She’s] friendly and mabait siya. I haven't spoken to Kris Bernal in a long, long time!

     “I don't lie. If something is happening, I will tell you guys, no problem. Pero really nothing is happening between me and Kris Bernal,"

     Sinagot din ni Daniel ang tanong kung single pa siya.

     “I have a lot of friends. I am single naman, more than one year already single.

     “I am always hanging out with friends, so if people like me or they are just judging, so me and Kris Bernal, we are just friends,"

      Maagap ding sinabi ni Daniel ang estado ng puso niya ngayon,"single, happy, ready to mingle, what else..."

Daniel Matsunaga,nagpaplanong bumalik ng Brazil

TV5 Kapatid Hunk Daniel Matsunaga

     Binabalak ng Kapatid Hunk na si Daniel Matsunaga na bumalik ng Brazil upang magbakasyon doon at makasama ang kanyang pamilya.

     “Every time they come here, it's just my parents and my brother, di ba? So, I need to visit the rest of my family and I will be there siguro for three weeks, ganoon." sabi ni Daniel.

     Sinabi niya na hindi siya magtatagal sa Brazil sakaling magbakasyon siya.

     “Just to visit. Probably July, not sure yet. Kasi I still need to look for tickets, pero my plan is to go to Brazil and just relax a little bit."

     Pero habang hindi pa natutuloy ang pagpunta niya sa Brazil, binabalak niyang magpahinga sa kanyang paboritong bakasyunan, sa Boracay.

      "I'm going to Boracay very soon, probably Labor day, to relax a little bit. Mga siguro 4-5 days. I really need this time to relax and enjoy with my friends a little bit."

Daniel Matsunaga,maswerte sa kanyang career sa Pilipinas


TV5 Princess Ritz Azul at Kapatid Hunk Daniel Matsunaga

     Masaya ang Kapatid Hunk na si Daniel Matsunaga sa tinatakbo ng career nya sa Pilipinas. Mag-aapat na taon na sya sa Pilipinas at kaliwa't kanan ang mga proyektong dumarating sa kanya.

     Ngayon ay abala si Daniel sa paglalaro ng football. Siya ang midfielder sa koponan ng Stallion Sta. Lucia sa first division ng United Football League. Inamin niya na sa pagpapraktis niya ginugugol ang lahat ng kanyang libreng oras. Pero sinabi niya na walang dapat alalahanin ang kanyang mga fans dahil hindi niya isasakripisyo ang kanyang career sa showbiz para sa football.

     "I don't want that. It took me so long to do what I did. [I spent] how many years doing so many workshops, so hardworking, and I plan to have showbiz as a priority, to pursue showbiz talaga. Football is just my sideline." sabi ni Daniel.

    “Sobrang busy ako sa schedule ko ngayon. I have a lot of endorsements and I have a lot of work for them, so siguro for the next three months I will be very busy for them." dagdag pa nito.

     “Right now, it's a surprise pa, but I'm very active doing a lot of out-of-town guestings." ang sabi pa ni Daniel patungkol sa susunod niyang proyekto.

Ritz Azul,loveless kahit may mga nagpaparamdam

Kidlat leading lady Ritz Azul

     Loveless pa rin ang isa sa TV5 Princess na si Ritz Azul, pero may manliligaw daw siyang non-showbiz guy na parang napupusuan niya.

     “Ano siya, e, from out of the country na umuwi dito—hindi siya foreigner, Filipino siya.

     “Siya yung lumapit pero hindi pa kami masyadong nakakapag-usap,actually parang nag-i-start siya.

     “Dati, meron na pero ito, iba siya, e, kasi kilala na siya agad ng parents ko, e. So, ano… iyon.”

     Mas matanda raw sa kanya ang guy.

     “Medyo, pero tama lang sa age limit.

     “Kilala siya ng parents ko, pero ayoko munang anuhin, kasi tutok talaga ako sa career ko.

     “Siyempre kung gusto niyang manligaw, e, di go… tingnan natin ang mga bagay-bagay, kung anong mangyayari… iyon.”sabi ng Kapatid actress.

     May chance ba ang lalaki?

    “Hindi ko talaga alam, kasi hindi talaga ako pumu-focus doon, e.

    “Nag-uumpisa pa lang talaga siya, wala pa,” sabi ni Ritz.

Ritz Azul,nanghinayang na hindi na makakasali sa Binibining Pilipinas

TV5 Princess Ritz Azul

     Naidaos na ang Binibining Pilipinas at napili na ang mga bagong beauty queens.

     Inamin ng TV5 young actress na si Ritz Azul na nanghihinayang siya na hindi na makakasali sa naturang beauty pageant. May panuntunan kasi ang organizers ng Binibining Pilipinas na hindi maaaring sumali ang nag-pose o nag-pictorial sa men's magazines.

     Si Ritz ay nag-cover para sa FHM noong November 2012.

     Sabi ng dalaga, “May factor na parang nanghihinayang—na sana makakasali pa ako doon, pero parang hindi na dahil sa FHM.

     “Pero masaya naman ako sa naging outcome ngayon, na dumidiretso na talaga ako sa showbiz.

     “And I’m sure naman, after kong sumali doon sa pageant, didiretso din ako as a showbiz personality.

     “So parang naging shortcut na lang ito sa akin na nasa showbiz na ako.”

      Pero hindi naman daw nagsisisi ang TV Princess na si Ritz sa ginawa niyang pagpu-pose para sa FHM.

     Aniya, “Wala naman at ayokong magsisi dahil kapag nagsisi ako, parang hindi na ako magiging masaya sa buong buhay ko!

     “And hindi lang naman ako yung nagdesisyon, management and family ko, so okay lang sa akin.

     “Masaya naman ako sa career ko ngayon.”

     Ongoing na ang botohan para sa FHM Top 100 Sexiest Women, pero wala raw ideya si Ritz kung pang-ilan na siya.

     “Ang mahalaga sa akin, sana makapasok ako sa one hundred—iyon lang yung mahalaga sa akin… sana!” natatawang sabi niya.




credits to: PEP.ph

Lunes, Abril 29, 2013

Paglipat nina Lovi Poe at Ogie Alcasid,nilinaw ni TV5 Exec.Perci Intalan

Lovi Poe at Ogie Alcasid

   Kinuha rin ng PEP.ph ang pagkakataon upang usisain si Perci Intalan,ang First Vice President for Creative and Entertainment Productions ng TV5 hinggil sa latest development ng napapabalitang paglipat sa TV5 ng dalawa pang Kapuso stars—sina Ogie Alcasid at Lovi Poe.

     Si Ogie ay magtatapos na ang kontrata sa GMA-7 sa June, at si Lovi naman ay natapos na ang kontrata sa naturang network.

     Parehong talents ni Leo Dominguez sina Ogie at Lovi.

     Sabi ni Perci, “Well, you know, sana ay may pagkakataon kaming magkatrabaho.

     “Pero nakatrabaho na namin si Ogie as a composer, nag-compose ng kantang ‘Never Say Goodbye’ at saka siya rin ang nag-perform.

     “Si Lovi, hindi pa rin namin alam. Pero we are hoping, we are hoping na mayroong chance.

     “Kasi wala naman talagang final unless i-announce na, di ba? And sometimes, final na, pero hindi lang mai-announce.

     “Pero sana, we hope na we have a chance to work [with these stars].”



credits to: pep.ph

TV5,interesadong makatrabaho si Marian Rivera - TV5 Exec.Perci Intalan

Primetime Queen Marian Rivera

     Sa naging interview ng PEP.ph sa First Vice President for Creative and Entertainment Productions ng TV5 na si Perci Intalan, hiningan nila ng pahayag ang TV5 Executive sa nabanggit kamakailan ni Marian Rivera na noong manager pa niya si Popoy Caritativo ay may lumalapit na taga-ibang network para kunin ang kanyang serbisyo.

      Ngayong ang Triple A na ni Mr. Tony Tuviera ang namamahala sa career ni Marian, mas lalong dumarami ang espekulasyon ng posibilidad na paglipat ng aktres sa ibang TV network kapag natapos na ang kontrata niya sa GMA-7 sa August.

      Kasali ba ang TV5 sa nabanggit na ito ni Marian?

      Sagot ni Perci, “Well, hindi naman… hindi official.

     “Pero siyempre, sino ba naman ang hindi gustong makipagtrabaho kay Marian?

      “So we are definitely interested to work with her.

      “Tapos siyempre, may connection kami both kay Popoy and to Marian herself, because, hindi ba, si Martin ay katrabaho namin na managed by Popoy?”

       Ang tinutukoy ni Perci ay si Martin Escudero na dati ring talent ni Popoy.

       Patuloy ng TV5 executive, “And si Marian, yung si Direk Mac [Alejandre] at iba pang production staff sa TV5 ay malapit din naman kay Marian, e.

      “In fact, si Direk Mac during his… I don’t know kung birthday o sa taping ng Nandito Ako, hindi ba nga ay itinatanong niya si Marian? So, may contact din kami…

       "So, yeah, bukas na bukas ang pinto namin para kay Marian siyempre to want to work with her.”
Ano ang magiging epekto sa TV5 kung sakaling makuha nila ang serbisyo ni Marian?

       Saad ni Perci, “Well, kahit na sinong makatrabaho ni Marian—especially sa dami na ng nagawa niya sa industriya, bukod sa laki ng pangalan niya, di ba, at sa talent niya—will be blessed to work with her.

     “Sa narinig namin, napaka-professional niya… those people who worked with her.

      “And they say na kapag mayroon siyang project ay talagang todo-bigay siya, todo-buhos siya.

      “So, kaya welcome na welcome siya sa TV5.”

       Patuloy niya, “Actually, lahat naman ay welcome na welcome sa TV5, e, lalo na iyong kasing-galing at kasing-talented niya.

      “Lahat naman kasi ng artista ay ganyan ang philosophy namin, e.

      “Ang mga kontrata naman, nagsisimula, natatapos. So, you’ll never know kung sino ang may tsansang makakatrabaho mo.”

 
TV5 FVP for Creative and Enterteainment Productions Perci Intalan



credits to: PEP.ph

TV5 Exec.Perci Intalan,ipinaliwanag ang dahilan ng madalang na proyekto ni Danita Paner

TV5 Princess Danita Paner

      Sa interview kay TV5 First Vice President for Creative and Entertainment Productions Perci Intalan, nilinaw niya na may mga inalok na silang mga show sa TV5 Princess na si Danita Paner pero tinanggihan ang mga ito ng Mommy ng aktres na si Daisy Romualdez. Mga character roles daw at siguradong magmamarka sa serye ang part ni Danita, pero dahil nga hindi raw gusto ni Mommy Daisy, hindi nito tinanggap ang project.

       May mga naka-line up na rin daw shows si Danita sa TV5 pero hindi nila alam kung aapruba­han ito ni Mommy Daisy.

       Naiintindihan daw ng istasyon ang ina ni Danita kung meron itong gusto para sa career ng anak kaya hindi na nila ipinilit pa ang ina-assign na TV project sa aktres.

        Patuloy pa ni Perci, bukas naman ang istasyon na makipag-dialogue sa kanilang mga manager at talents. Kaya siguradong mag-uusap muna ang TV5 at ang management team ni Danita bago mag-expire ang contract nito.

 Danita Paner



credits to: abante.com.ph

TV5,naiintindihan ang ginawang pag-alis ni Alex Gonzaga

Dating TV5 Primetime Princess Alex Gonzaga

      Nilinaw ng First Vice President for Creative and Entertainment Productions ng TV5 na si Perci Intalan na maayos ang pamamaalam sa kanila ni Alex Gonzaga. Maayos daw silang naghiwalay ni Mommy Pinty Gonzaga, ina at manager ni Alex.

      Itinanggi niyang walang TV career plan ang TV5 kay Alex. Pagpapatunay ni Perci, may mga naka-line up na silang mga projects sa young actress. Kung hindi man nila nabigyan ng sunud-sunod na project si Alex matapos ang huling TV show nito, ‘yun ay dahil pinu-programa nila ang career nito sa istasyon.

      Gusto nilang pigilan ang pag-alis ni Alex pero sinabi raw ni Mommy Pinty na nakakompromiso na sila sa Kapamilya Network. Aminadong nanghinayang ang TV5 kay Alex dahil ginastusan nila ang aktres. Pero wala silang magagawa sa desisyon ng Mommy nito.



credits to: abante.com.ph

Eula Caballero,kinaiinggitan ng mga Kapatid stars

TV5 Primetime Princess Eula Caballero

      Sentro ng intriga ngayon si Eula Caballero sa kapwa niya mga prinsesa ng TV5 dahil sa lalabas niyang bagong serye ang Cassandra, The Warrior Princess.

      Si Eula Caballero ang natuturong isa sa mga dahilan kung bakit lumipat ng ABS-CBN si Alex Gonzaga at ilang buwan na ring walang trabaho si Danita Paner at wala ring projects ang iba na mas nauna pa sa kanya sa Kapatid Network.

      Mas pinapaboran daw kasi ng TV5 si Eula kesa sa ibang mga artist ng TV5. Mas naka-focus daw ang atensyon ng mga big boss kay Eula kesa sa mga dati ng talent.

      Sabi ni Eula, pantay lang ang trato sa kanilang mga talent ng Kapatid Network. Nataon lang daw na nagkasunud-sunod ang mga projects niya.

      Sabi niya, may mga panahong wala rin daw siyang ginagawa at pawang mga supporting roles lang ang ibinibigay sa kanya.

      Nagpahayag ng kasiyahan si Eula nung ma­laman niyang paborito siya ni Danita at naniniwala ito sa kanyang kakayahan bilang aktres. Bagama’t, excited sa kanyang show aminadong pressured si Eula sa kung anong feedback ang makukuha niya mula sa mga manonood ng kanyang show.

      Ang papalitan daw nilang show ay ang Kidlat ni Derek Ramsay. Pero binigyan naman daw siya ng katiyakan ng entertainment head ng TV5 na si Perci Intalan na magiging maganda sa viewers ang kanyang show.




credits to: abante.com.ph

Martin Escudero,naunang umalis sa poder ni Popoy Caritativo

TV5 Primetime Prince Martin Escudero

      Kasabay ng balitang umalis na si Marian Rivera sa pangangalaga ni Popoy Caritativo at lumipat sa poder ni Anton Tubiera, lumabas din ang balitang nauna na palang umalis sa pangangalaga ni Popoy ang Kapatid Hunk na si Martin Escudero.

      Ano kaya ang ibig sabihin nito? Mayroon kayang problema sa ginagawang pagpapatakbo ni Popoy sa career ng kanyang mga dating alaga? Malulutas ang mga isyung ito kapag nagsalita na ang mga taong involve.

Marian Rivera,may posibilidad na maging Kapatid

Marian Rivera

     Nahaharap na naman sa panibagong isyu ang binansagang Primetime Queen ng GMA7 na si Marian Rivera. Ang isyu ay patungkol sa ginawa nyang pag-alis sa poder ni Popoy Caritativo at paglipat sa pamamahala ni Anton Tubiera.

      Kasabay nito, lumabas din ang mga espekulasyon ng paglipat ng aktres sa ibang network, ito ay dahil sa nalalapit na ang pag-eexpire ng kontrata nito sa GMA7 na magtatapos ngayong Agosto. Dagdagan pa ng makahulugang sagot ng dalaga sa naganap na presscon ng APT Productions.

     “Actually, may kontrata pa ako sa GMA, by August ‘yan. Pero hindi ko sinasarado ang pintuan ko sa ibang network." sabi ni Marian.

      “Dahil nga sa sinasabi kong freedom eh gusto kong mag-try ng iba’t ibang klase ng hindi ko pa nagagawa." dagdag pa nito.

      “Pero ngayong may kontrata pa ako sa GMA eh ayoko naman pong magsalita. Sa August po magkita-kita tayo kung saan ako pupunta.” pagtatapos ng dalaga.

      Kumakalat pa ang balita na nakausap na ni Marian ang Head ng Entertainment Division ng TV5 na si Wilma Galvante. Kaya marami ang bulung-bulungan na maaring senyales ito ng posibilidad na paglipat ng aktres.

TV5 Head of Entertainment Division


Linggo, Abril 28, 2013

Aga Muhlach,wagi sa 10th Golden Screen Movie Awards

 
Kapatid hunk actor-politician Aga Muhlach
 
       Habang abala ang ating Kapatid na si Aga Muhlach sa pangangampanya nya bilang kongresista sa unang distrito sa CamSur, pinarangalan siya bilang Best Performance by an Actor in a Lead Role-Musical or Comedy sa nagdaang 10th Golden Screen Movie Awards nitong Sabado.

          Nagpahinga muna siya sa paghohost bilang pagsunod sa regulasyon ng Comelec. Ang Pinoy Explorer ang huli nyang naging proyekto bago ang kanyang pagtakbo sa ilalim ng Kapatid Network.

facebook account ng Pinoy Explorer

I Do Bidoo Bidoo,tumanggap ng parangal sa ginanap na 10th Golden Screen Movie Awards

 I Do Bidoo Bidoo

     Sa ginanap na 10th Golden Screen Movie Awards nitong nakaraang Sabado, tumanggap ang I Do Bidoo Bidoo ng apat na pagkilala. Narito ang mga nasabing parangal:

  • Best Musical Score: Vincent de Jesus
  • Best Editing: Randy Gabriel
  • Best Breakthrough Performance by an Actress: Tippy Dos Santos
  • Best Motion Picture-Musical or Comedy: I Do Bidoo Bidoo 
     Ang I Do Bidoo Bidoo ay mula sa direksyon ni Chris Martinez sa ilalim ng Studio5 at Unitel.



Cheryl Cosim at Luchi Cruz-Valdez,pinarangalan sa 21st KBP Golden Dove Awards


Aksyon Anchor Cheryl Cosim

      Nitong nakaraang Biyernes, sa ginanap na 21st KBP Golden Dove Awards, ay pinarangalan sina TV5's Aksyon anchor at Good Morning Club host Cheryl Cosim bilang Best TV Newscaster at ang hepe ng News5 na si Luchi Cruz-Valdez bilang Best Radio Public Program Host para sa programa nila ni Atty. Mel Sta.Maria na Relasyon sa Radyo5.

        Hindi masusukat ang kasiyahan at excitement na nadama ni Cheryl sa natanggap na pagkilala dahil sa ito ang kauna-unahan nyang natanggap na award bilang news anchor at dahil ang sa galing ito sa isa sa pinakakilala at prestihiyosong kumikilala sa galing at kakayahan ng mga taga-media.

       Bagama't hindi nakadalo si Luchi, tinanggap ni Atty. Mel ang plake ng pagkilala sa ngalan ng hepe ng News5. Ginanap ang Golden Dove Awards sa Star Theater na pinangunahan nina Giselle Toengi, Atom Araullo at Mr.Fu.

Atty. Mel Sta.Maria

Eula Caballero,susundan ang yapak ni Alex Gonzaga

TV5 Primetime Princess Eula Caballero

      Sa pag-alis ni Alex Gonzaga sa TV5, naiwan ang korona ng pagiging TV5 Primetime Princess ng Kapatid Network. Sa nalalapit pagsisimula ng inaabangang panibagong heroserye ng TV5 na Cassandra:Warrior Angel kung saan si Eula Caballero ang gaganap sa title role, nararamdaman ng batang aktres ang pressure dahil sa inaasahan ng lahat na siya ang sunod na hahawak ng titulo at magdadala ng responsibilidad bilang TV5 Primetime Princess. Pero ikinokonsidera niya ito bilang challenge sa kanyang kakayahan bilang aktres.

      "Sobrang pressure at napakalaking responsibility para sa kin itong ‘Cassandra’ para pero sobrang tuwa at pasasalamat ko to TV5 for giving me this project. Kaya naman po I’m doing everything I can to deliver my best para hindi naman nakakahiya sa management," sabi ni Eula nitong nakaraang Martes sa ginawang solo presscon at photo exhibit ng kanyang pictorial sa photographer na si Ronnie Salvacion.

      “Napakalaki ng na-i-contribute ni Ate Alex sa TV5 at napaka-generous at napaka-supportive niya sa akin nung nagkasama kami sa ‘Enchanted Garden’. So kahit po nadagdagan ang pressure sa akin to deliver pag-aalis niya, isang malaking challenge ito para sa akin”, dagdag pa ni Eula.

      Makakasama ni Eula sa proyektong ito ang ilan sa mga beterano at subok na pangalan sa mundo ng pag-arte na sina Gabby Concepcion, Eula Valdez, William Martinez, Pen Medina, Mercedes Cabral, Biboy Ramirez, Art AcuƱa at Vangie Labalan. Samahan pa ng hindi lang isa kundi tatlong leading men na sina JC de Vera, Victor Silayan at ang bagong Kapatid na si Albie CasiƱo.

       Abangan ang patikim na pakikipaglaban ni Eula bilang Cassandra sa kanyang pakikipagtulungan kay Kidlat sa huling limang araw nito. Magsisimula ang Cassandra:Warrior Angel sa Lunes, May 6, pagkatapos ng Aksyon sa TV5.

Two Eulas: Eula Caballero and Eula Valdez

Biyernes, Abril 26, 2013

TV5,nagwagi ng Adobo Design Award para sa Olympics coverage site


Adobo Design Awards Logo

      Nitong Biyernes ay nagwagi ang TV5 ng Adobo Design Award para sa Olympics 2012 website. Ang nasabing site ay ginawa para sa coverage ng TV5 sa Olympics nitong nakaraang taon sa London.

     Sa paapat na taon ng Adobo Design Awards,isa na ito sa mga pinakaprestihiyosong kumikilala sa pagiging malikhain at sa mga natatanging desinyo sa Philippine media.

     Sinabi ni John Paul de Guzman, ang chief creative director ng Rain Creative Lab at ang namuno sa paggawa ng design ng website,na sa simula pa lamang ng nasabing proyekto, ninais na nilang gawin ito na madali at nakakaengganyong gamitin na hindi nasasakripisyo ang mga detalye at balita tungkol sa kompetisyon.

       Sa tingin din niya,ang infographics at timeline features ng Olympics coverage site,ag siyang pumukaw ng atensyon ng mga hurado sa Adobo Design Awards.

       "We always strive to innovate in any project that we do. We try to give the best visuals and best user experience." ang naging pahayag ni Creatives Head Jaco Payawal ng TV5's New Media.

TV5's Olympics 2012 coverage website


source: Interaksyon

Madam Chair,title ng next soap ng Megastar sa Kapatid Network


Megastar Sharon Cuneta

      Sa ginanap na presscon ng The Bride and the Lover, naiba­lita ni Direk Joel Lamangan na ang next soap niya sa TV5 ay pagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta at may title na Madam Chair. Totoo yata ang tsikang barangay chairman ang role ni Mega.

      Hindi nabanggit ni Direk Joel kung kailan niya sisimulan ang taping ng soap ni Sharon na kundi kami nagkakamali, her first soap ever.

 Megastar kasama ang ilang ehekutibo ng TV5 at Viva


credits to: philstar ngayon

Edu Manzano,nagpapagawa ng expansion ng cancer wing para sa mga bata


Good Morning Club host Edu Manzano

      Sa sariling bulsa ni Edu Manzano nanggagaling ang lahat ng ginagastos sa ipinatayo niyang Adrian Manzano Cancer Wing sa National Children’s Hospital sa Quezon City na ngayon ay magkakaroon  ng expansion dahil sa pagtatayo ng phase 3 ng wing kaya hindi biro ang ginagastos niya. Pero ayaw magbigay ng halaga ni Edu kung magkano na ang nagastos niya rito.

     “’Wag na nating banggitin ang halaga. Ang importante meron akong naibibigay. Mawawala ‘yung purpose kong tumulong kung iisipin ko kung magkano na ang nagagastos ko,” sabi ng TV host-actor na iisa lang ang programa sa TV5 sa kasalukuyan, ang Good Morning Club.

      Wala ring koneksiyon sa pagiging pulitiko niya noon ang pagpapagawa niya ng  cancer wing sa nasabing hospital.

      Kaklase niya ang medical director ng National Children’s Hospital kaya naging possible ang pagpapatayo ng Cancer Wing para sa mga batang may sakit na galing probinsiya at walang matuluyan dito sa Maynila.

      Iba’t ibang klase ng mga batang may sakit ang tumutuloy doon.

     At para mas maging magaan ang mga nasabing lugar, pinaganda nila nang husto at nilagyan ng mga laruang puwedeng pagkalibangan ng mga bata. Puwede silang magtakbu-takbo roon para pansamantalang kalimutan ang kanilang nararamdaman.

     Galing sa iba’t ibang sulok ng bansa ang mga tumutuloy doon.

    “Minsan hindi ko rin kinakayang makita silang nahihirapan. Kawawa talaga,” dagdag ni Edu na ayaw na munang gumawa ng teleserye dahil sa magdamagang taping nito.

     Marami nang bata ang nakinabang sa Adrian Manzano Cancer Wing kaya naisipan ni Edu na magtayo ng expansion para mas marami pa silang bata na matulungan.

     May dala pa siyang isang sulat ng pasasalamat ng isang batang natulungan nila.

     Ang naging trabaho ng kanyang ama sa Boys Town ang naging inspirasyon niya para gawin ito.

     After ng pakikipagtsikahan niya sa amin, dumiretso siya sa taping ng Deal or No Deal para sa birthday episode ni Luis Manzano.

     Consistent din si Edu sa decision niyang ‘wag mag-showbiz ang dalawa niyang anak kay Rina Samson na sina Enzo at Adi.

     Inuulit niyang gusto niyang mga maging katulad ito ni Luis na nagtapos muna ng kolehiyo bago nag-showbiz.

     Mapapaood si Edu Manzano sa Good Morning Club, Lunes- Biyernes, 5AM hanggang 7AM sa Kapatid Network.

Si Edu Manzano at ang Tres Kumares
Mamu Tintin Bersola, Tyang Amy Perez, at Nyora Chiqui Roa-Puno



credits to: philstar ngayon

Huwebes, Abril 25, 2013

NEW MANAGEMENT | Welcome TV5 President&CEO Noel Lorenzana

New TV5 President and CEO Noel Lorenzana

     Nitong nakaraang Miyerkules ay pormal nang inanunsyo ni Manuel V Pangilinan(MVP), ang Managing Director ng First Pacific Company Limited(FPC) at Chairman ng Philippine Long Distance Telephone Company(PLDT) ang pagtatalaga kay Ray C Espinosa bilang Associate Director ng FPC at ang kanyang bagong assignment bilang Group's Head ng Government and Regulatory Affairs at Head ng Communication Bureau, parehong nakabase sa Pilipinas. Ia-assist din ni Mr.Espinosa ang  First Pacific Group sa mga bagong investment nito sa Pilipinas at sa ilang rehiyon. Alinsunod dito ang pagreretiro si Mr.Espinosa bilang President at CEO ng MediaQuest Holdings Inc. Pero mananatili parin siyang direktor ng MediaQuest at ng mga kumpanyang nasa ilalim ng MVP Group of Companies.

Narito ang inilabas na stement ni MVP:
“Mr Espinosa’s new assignment creates a vacancy at Mediaquest. To this end, I am pleased to announce that Noel C. Lorenzana, current Head of the Individual Business for The PLDT Group, has been named President and CEO of Mediaquest. Noel faces a tough job as he takes on the challenge of turning around TV5, while maintaining the growth momentum at Cignal TV towards leadership in the Pay-TV industry. Noel’s background in the telco space and in fast moving consumer goods (FMCG) will be of immense advantage in his ability to bring the worlds of media and telecommunications closer. Our multimedia strategy is crucial to the future of TV5 and of the Group. We extend to, and I assure, Noel our full confidence and unstinting support,”

MAGAZINE COVER | JC de Vera for GARAGE

Kapatid Hunk JC de Vera

     Mga Kapatid, bumili na ng kopya ng GARAGE dahil ang ating Kapatid Hunk at ang TV5 Primetime Prince na si JC de Vera ang nasa cover nito para sa buwan ng Abril.

GALLERY | Eula Caballero Solo Presscon and Exhibit

     Nito ngang Martes, ika-23 ng Abril, ay ginanap ang solo presscon and exhibit ng TV5 Primetime Princess na si Eula Caballero sa Prime Bar sa Quezon City. Ito ay para sa nalalapit na pag-ere ng pinagbibidahang serye ng batang aktres, ang Cassandra:Warrior Angels kung saan siya ang gumaganap sa title role.

       Ngunit sa ginanap na presscon, sorpresa ang naging pagdating ng bagong Kapatid at isa sa leading men ni Eula sa nasabing serye, si Albie CasiƱo. Tila may bagong namumuong loveteam sa Kapatid Network. Ito kaya ang senyales ng muling pag-usbong ng career ng batang aktor?

      Abangan natin yan mga Kapatid, sa nalalapit na paglipad ni Cassandra at papalit sa trono ni Kidlat bilang tagapagligtas at tagapagtanggol ng kabutihan. Ngayong Mayo na yan mga Kapatid, pagkatapos ng Aksyon Prime sa Primetime Panalo ng TV5.


Narito ang ilan sa mga naging kaganapan sa nasabing presscon:




























photo credits to: starmometer
Tweets by @tv5fanatic