Martes, Abril 30, 2013

JC de Vera,nagdalawang-isip tanggapin ang proyektong Cassandra

Kapatid Hunk JC de Vera

     Wala na palang kontrata si JC de Vera sa TV5 nang tinanggap ang bagong superhero series ng Kapatid Network na Cassandra: Warrior Angel na ginagampanan ni Eula Caballero.

     Ayon kay JC, nung March pa nag-expire ang kontrata niya sa TV5 pero hindi pa napag-uusapan ang renewal.

     Binigyan naman ito ng basbas kung gusto nitong i-entertain ang ideyang paglipat sa ibang network.

     Pero ang isa pala sa gustong ayusin ni JC ay ang kontrata niya kay Tita Annabelle Rama bilang manager nito.

    Hanggang ngayong buwan na lang ang kontrata niya sa Royal Era Entertainment ni Tita Annabelle at pinag-iisipan pa nito kung magri-renew siya o maghanap ng ibang manager.

     Kaya hindi muna siya pumirma uli sa TV5 o lumipat sa ibang istasyon dahil gusto muna niyang ayusin ang sa kanila ni Tita Annabelle.

    “Medyo naguluhan din ako mag-decide kung tatanggapin ko ang Cassandra o hindi kasi alam ko na tapos na ang contract ko with TV5. Alam ko na matatapos din ‘yung kontrata ko kay Tita Annabelle.

     “So, very crucial siya for me kasi hindi mo alam kung ano ang mangyari for the next month,” pahayag ng Kapatid actor.

     Malaki ang utang na loob niya sa TV5 kaya niya ito tinanggap.

     Sa May 6 na magsisimula ang Cassandra: Warrior Angel ng alas-siyete ng gabi at dito huhusgahan si Eula kung siya nga ang karapat-dapat na tawaging Teleserye Princess ng Kapatid Network.



credits to: philstar.com

PHILPOP,namili na ng 12 finalist



     Umabot sa 3,383 ang lumahok sa Philippine Po­pular Music Festival ngayong 2013 pero namili lang sila ng top 12.

     Karamihan sa mga sumali ay nanggaling pa ng Hong Kong, Singapore,  Japan, Germany, China, Qa­tar, Abu Dhabi, Australia, Canada, Norway, Saudi Arabia, United States, Ireland,  United Kingdom, Thai­land, at Macau. Pero kinailangan lang nilang mamili ng 12 finalist.

     May 67% porsiyento ng mga lahok na awitin ay isinulat sa Tagalog habang 37 porsiyento ang sa Ing­les.

     Gayunman, ayon kay Philpop Music Foundation Executive Director Ryan Cayabyab, itong taong ito ang merong napakaraming iba’t ibang klase ng mga sumali.  “Nakarinig ako ng maraming rock, pop, rap, hip hop, folk, R and B, ma­na­ka-nakang swing at dance music. Meron pang nagtangkang gumawa ng modernong Kundiman at ilang novelty song na umaaliw sa adjudicating panel,” sabi ni Mr. C.

     Kabilang sa bumubuo sa adjudicating panel ang iginagalang at kilalang  mga professional sa music industry,  record label executive, musikero, kompo­sitor, singer, artists, radio personalities, at academi­cians. Kinailangan pang punuan ng organizing com­mittee ang may 140 puwesto sa buong apat na stage na screening process.

     “Mahirap pag-isipan sa simula. Hindi biro ang salain ang mahigit tatlong libong kanta pero halos naperpekto ng Philpop ang sistema. Maraming puwedeng winner. Maraming puwedeng hits. Mahigit sa kalahati ng 12 finalists ang na­ngi­ngibabaw.  Hindi maaaring magkamali ang apat na set ng panelist. Humataw din ang tinatawag na dark horses. Nakakatuwa,” sabi pa ni Cayabyab.
 
     Sa ilalim ng liderato ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan,  ang foun­dation na naghahangad na makisangkot sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng  musika ay lumalarga sa pagtukoy sa karapat-dapat na songwriters na maaaring makapagbigay ng inspirasyon at makapagbunsod ng po­siti­bong pagbabago sa pamamagitan ng kanilang awitin at binibigyan sila ng pag­kakataon na makilala. Pinalalakas pa ito ng board of director na pinangungunahan nina Ricky Vargas, Ogie Alcasid, Noel Cabangon, Doy Vea, Al Panlilio, Patrick Gregorio, Randy Estrellado at Butch Jimenez.

     Ang million-peso champion ng unang Philippine Popular Music Festival ay si dating Akafellas member Karl Villuga sa pamamagitan ng kanta niyang  Bawat Hakbang.

Eula Caballero,handang magpakadaring basta hindi bastos

TV5 Primetime Princess Eula Caballero

     Bongga ang mga ginagawa ng TV5 para sa nalalapit na airing ng Cassandra: Warrior Angel na pagbibidahan ni Eula Caballero. Nakailang presscon na sila para sa ipaalam sa tao ang nalalapit na pilot ng show at ang biggest preparation nila ay ang pagpasok ng karakter ni Eula Caballero bilang si Cassandra sa last week ng Kidlat.

     Magandang abangan kung paano magkikita sina Kidlat (Derek Ramsay) at Cassandra at kung paano ang kanilang magiging ugnayan.

     Samantala, tinanong si Eula kung handa na siya sa daring role after niyang mag-18 years old. Hindi kasi puwedeng puro wholesome role lagi ang lalabasan niya, magsasawa ang tao.

     “Hindi ko pa sure kung gaano ka-daring o ka-sexy ang kaya kong gawin. Personally, hindi pa ako ready sa sobrang sexy roles. Pero ’di ko isinasara ang possibility in doing edgy and daring roles. Basta dapat maayos lang at hindi bastos tingnan,” sabi nito.

     Malaki ang tiwala ni Eula sa TV5 at sa kanyang management na hindi siya pababayaan. Sabi nito, lahat ng projects na ibinibigay sa kanya ng network at nakakatulong para mas maging mahusay siyang artista.



credits to: philstar.com

JC de Vera,may pasabog ngayong Hunyo

TV5 Primetime Prince JC de Vera

     Marami ang naintriga sa sinabi ng Kapatid Hunk na si JC de Vera na may malaking pagbabago na mangyayari sa buhay niya sa June 2013.

     Kanya-kanya ng hula ang mga intrigera at tsismosa.

     A. Magpapakasal na ba raw si JC sa June dahil ito ang wedding month? B. Magiging tatay na ba siya sa June? C. Babalik si JC sa GMA 7? at D. Lilipat siya sa ABS-CBN?

     Walang nakakaalam sa tumpak na kasagutan dahil tikom ang bibig ni JC. Malakas ang hula na mag-oober da bakod siya sa ibang TV network dahil tapos na ang kanyang three-year non-exclusive contract sa TV5. Lumipat ang aktor sa TV5 noong March 2010 at ngayong 2013 ang expiration ng kanyang kontrata.


credits to: philstar.com

Nora Aunor,tinanghal na pinaka-PASADOng Aktres sa ginanap na 15th Gawad Sining Sine ng PASADO

TV5 Superstar Nora Aunor

    Ang Superstar na si Nora Aunor ay hinirang na Pinaka-Pasadong Aktres, para sa Thy Womb, ng award-giving body na ito na binubuo ng mga guro sa iba't ibang antas at disiplina.

     Nasa venue rin ang direktor ng Thy Womb na si Brillante Mendoza at ang kanyang story/screenwriter na si Henry Burgos; kapwa rin sila nanalo bilang pinaka-Pasadong Direktor at mandudulang pampelikula, respectively.

     Bagamat madalas nang nakakadalo si Ate Guy sa awarding ceremonies ng international filmfests, ang pagdalo at personal niyang pagtanggap ng parangal mula sa locally-based awarding groups, tulad ng PASADO, ay pinapahalagahan pa rin ng Superstar.

     Ang malaki niyang dahilan ay ang kanyang fans.

     Sabi ng aktres, "Sila po ang masasabi ko na totoong magmahal na hanggang ngayon, nandiyan pa.

     "Mahalaga po ang award na ito para sa akin dahil sa mga fans na patuloy na sumusuporta.

     "Sila po yung... magmula noon, hanggang ngayon, nandiyan at matapat na sumusubaybay.

     "Nung araw, yung baon nila, itinatago nila para mapanood ang pelikula ko.

Superstar Nora Aunor,humingi na ng paumanhin sa di pagdalo sa 50th anniversary ni Kuya Germs

Superstar Nora Aunor

     Magkasunod na dumating ang Superstar na si Nora Aunor at ang Master Showman na German "Kuya Germs" Moreno sa 15th Gawad Sining Sine ng PASADO sa National Teachers College (NTC) noong Sabado ng gabi, Abril 27.

     Halos minuto lang ang pagitan ng pagdating nila, upang personal na tanggapin ang mga parangal na laan sa kanila o sa kanilang talent.

     Nang makarating sa loob ng bulwagan, sa front row seats, ay agad tumabi si Ate Guy kay Kuya Germs.

     Mahigit isang oras nag-usap ang dalawa; nagbubulungan pa sila habang magkatabi.

     Sa marahan niyang tinig ay humingi ng paumanhin si Nora kay Kuya Germs, at bagamat alam na ng TV host ang dahilan, ay inulit ito ng aktres—ang pagtapos ng shooting niya para sa indie film na Ang Kuwento Ni Mabuti sa Nueva Vizcaya—kaya hindi siya nakadalo sa 50th anniversary special ni Kuya Germs noong April 24 sa Resorts World Hotel sa Pasay City.

     Naunawaan naman daw ni Kuya Germs ang sitwasyon ng kaibigang Superstar.

     Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay inusisa namin kay German ang tungkol sa pag-uusap nila ni Nora.

     "Ay, hindi ko naman daramdamin ‘yon, ano? Alam mo naman, maunawain naman ako..." sabi ng beteranong TV host.

     As for Nora, masaya siya nang gabing iyon na nagkausap na sila ni Kuya Germs.

     "Hindi naman magagalit talaga sa akin si Kuya Germs. Mahal ako nun," sabi pa ng Superstar.

     May mga namumuna laban kay Nora dahil sa hindi niya pagdalo sa event ni Kuya Germs.

     Pero hindi iyon kagustuhan ng Superstar, kung tutuusin, dahil ang pangyayari ay bilang pagtugon din niya sa ninais ng TV5 management na ma-prioritize ang pagkumpleto ng shooting para sa Ang Kuwento Ni Mabuti ni Direk Mes De Guzman.

     Ang nasabing indie film ay entry sa Cine Filipino Film Festival na gaganapin mula June 26 hanggang July 2, 2013.



credits to: PEP.ph

Daniel Matsunaga, itinanggi ang pagkakalink kay Kris Bernal

 
TV5 actor/model/endorser Daniel Matsunaga

      May mga nagsasabi na nakikitta nila ang Kapatid Hunk na si Daniel Matsunaga na lumalabas kasama ang Kapuso actress na si Kris Bernal. Nang tanungin si Daniel tungkol dito, sumagot ang TV5 actor habang tumatawa.

     “Huh?! Ano’ng nangyari? Hindi ko alam iyan!

     "Ano ba iyan? Baka iba iyon. Di ako iyon, seryoso ako. You ask Kris Bernal. You ask her.

     "Oo, friends kami. I did work with her in The Last Prince sa GMA, doon ako nag-umpisa sa career ko.

     “What happened with Kris Bernal [was] a long, long time ago.”

     "We're friends. [She’s] friendly and mabait siya. I haven't spoken to Kris Bernal in a long, long time!

     “I don't lie. If something is happening, I will tell you guys, no problem. Pero really nothing is happening between me and Kris Bernal,"

     Sinagot din ni Daniel ang tanong kung single pa siya.

     “I have a lot of friends. I am single naman, more than one year already single.

     “I am always hanging out with friends, so if people like me or they are just judging, so me and Kris Bernal, we are just friends,"

      Maagap ding sinabi ni Daniel ang estado ng puso niya ngayon,"single, happy, ready to mingle, what else..."

Tweets by @tv5fanatic