Linggo, Marso 24, 2013

Chadleen Lacdo-o, itinanghal na kauna-unahang Grand Winner ng Kanta Pilipinas

Kanta Pilipinas Grand Winner CHADLEEN LACDO-O

     Sa ginawang rendisyon ni Chadleen Lacdo-o sa kantang Himala, hindi inaakala ng mismong kompositor nito at host-judge ng Kanta Pilipinas na si Rico Blanco, na posibleng makanta ang nasabing awitin sa pamamaraang si Chadleen lamang ang nakagawa.

     Ang pagbibigay ni Chadleen ng natatanging timpla sa kanyang awitin sa naganap na Grand Finals Night kagabi ang nagdala sa Cebuanang dalaga para masungkit ang titulo bilang kauna-unahang Grand Winner ng Kanta Pilipinas, ang kauna-unahang singing reality search ng Kapatid Network. Siya din ang pinalad na makapag-uwi ng 1 million pesos, recording at management contract mula sa TV5.
 

Grand Winner Chadleen kasama sina
Kanta Pilipinas Judge Ryan Cayabyab at Lani Misalucha

Wendell Ramos, game na game pa rin sa butt exposure!

Kapatid Hunk Wendell Ramos

     Hindi madamot si Wendell Ramos na ibuyangyang ang kanyang makinis na puwet. Muli niyang ginawa ito sa pelikulang Bayang Magiliw na entry ni direk Gil Portes sa labanan ng mga maestro ng pelikula sa Sineng Pambansa sa September.

     “Part kasi ng trabaho namin. Hindi lang naman mga bata ang nagkakaroon ng butt exposure. At heto pa ang maganda. Well, hindi ko naman kinu-compare ang Hollywood sa atin. Pero na-adapt na natin ang Hollywood sa atin.

     “Like ‘yung mga suspense-thriller. Pano­noorin mo ‘yon dahil suspense siya. Bigla magugulat ka dahil may isang scene doon, ‘yung isang lalaki or ‘yung babae, magbibihis lang. Pak! Naked body, ‘di ba?

     “Like ‘yung mga lalaki, magbibihis, magpapakita ng butt exposure!” paliwanag ni Wendell nang makausap ng press.

     Eh, kelan naman makikita ang front niya?

     “Eh, sa puwet pa lang, okey na, eh! Paano pa kaya kung sa harap? Ha! Ha! Ha!

     “Hindi pa ba okey sa ‘yo? Ha! Ha! Ha!” tugon ng aktor.


CREDITS TOabante

Camille Villar, balik Pinas ngayong Holy Week

Si Wowowillie Host Camille kasama ang kanyang ama na si Sen. Manny Villar.


  
     Nasa Pilipinas ngayon ang TV host at unica hija nina Sen. Manny at Mrs. Hanep Buhay Cynthia Villar na si Camille para makapiling ang pamilya ngayong Semana Santa.

     Dalawang linggo lang mananatili sa bansa ang bunsong anak ng mga Villar dahil agad din itong babalik sa Spain para sa kanyang masteral studies (Business Administration) sa isang sikat na unibersidad doon.

     Excited si Camille sa kanyang pag-aaral sa Spain lalo pa at malaki ang maitutulong nito sa kanyang pamamahala sa housing empire ng kanilang pamilya.

     “Super excited ako kasi bagong pinto na naman ito ng opportunity na nag-open para sa akin. Ako naman ay thankful sa lahat ng mga oportunidad na dumarating sa buhay ko,” sabi ni Camille.

     Ayon naman sa mag-asawang Villar, susulitin nila ang ilang araw na bakasyon ni Camille sa ‘Pinas.

     “Siguradong family bonding ang gagawin namin habang ‘di pa bumabalik sa Spain si Camille. Lalo na ngayong Semana Santa na nagkataong break din ni Cynthia sa pangangampanya,” sambit naman ni Sen. Manny.

     Very proud naman si Cong. Cynthia sa bunsong anak dahil sa pagsisikap nito na makapagtapos ng masteral degree. Kamakailan ay nagbakasyon si Camille sa pagiging co-host ng Wowowillie upang bigyang daan ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa.

      Mismong ang ama pa nitong si Sen. Manny ang naghatid kay Camille sa Espanya.


SOURCE: abante

Sabado, Marso 23, 2013

Si Daniel Matsunaga sa banggaan nina Sen. Chiz Escudero at magulang ni Heart Evangelista : " She doesn't deserve this- "

Kapatid Brapanese Hunk Daniel Matsunaga

     Nakaka-relate nga ang Kapatid Hunk na si Daniel Matsunaga sa nangyayaring sigalot ngayon sa pagitan ng senador na si Sen.Chiz Escudero at ang magulang ni Heart na sina Mrs.Cecilia at Mr.Reynaldo Ongpauco.

     Sa interview ng News5 noong huwebes sa aktor ay sinabi nitong updated siya sa mga nangyayari-- salamat sa kanyang mga twitter followers na walang sawang nagtu-tweet sa kanya tungkol dito.Sinabi din niyang hindi na siya nabigla sa pagtutol ng magulang ni Heart sa senador. Alam niya kung gaano kahigpit ang magulang ng dalaga noong nililigawan pa lamang nya ang aktres. Sinabi niyang nalulungkot sya para sa kina Sen.Chiz at Heart.

     “I’m sure he loves her. I feel bad that this is happening once more in Heart’s life because she doesn’t deserve this kind of things. And she’s in love and it’s her decision,” sabi ng binata.

     Sinabi ni Daniel na alam niya kung saan nanggagaling ang magulang ni Heart. Alam din niyang ayaw ng mga ito sa kanya para sa dalaga, dahilan para magdesisyon dati ang aktres na hiwlayan sya.

     “They’re very protective, I understand. They love Heart, and that’s family, and that’s their opinion. So ako I go with it,”sabi nito.

     Pero naniniwala si Daniel na sa edad ngayon ni Heart na 28, matured na ito at makakaya na nito pumili kung sino ang nais nitong mahalin.

     “Heart is old enough to fix her life. She’s mature and intelligent. I’m sure she can handle it,” pagtatapos nito.


SOURCE:interaksyon

KIDLAT, binisita ang 5,000 bata para sa Kapatid, Ka-Hero Outreach Program

Si Derek Ramsay (Kidlat), Wendell Ramos (Grabaman) kasama ang mga buong team ng heroseryeng Kidlat.


    Nitong nakaraang March 14,2013 ay bumisita ang buong team ng Kidlat sa pangunguna ni Derek Ramsay sa Kasiglahan Elementary School sa Montalban upang mabigyang kasiyahan ang 5,000 batang mag-aaral dito. Kabilang sa ginawa nila ang pagpapalabas ng mga piling episode ng nasabing top-rating show at ang story telling session na pinangunahan ni Derek.

     Pinagkalooban din ang paaralan ng computers at library kits habang nakatanggap naman ang mga bata ng 5,000 backpack na galing sa MVP Group of Companies (Tulong Kapatid). Ang isinagawang programa ay pasasalamat sa mga kabataang walang humpay na sumusubaybay at tumututok sa nag-iisang superheryo ng bayan, si Kidlat.

     Patuloy na tutukan ang mga nag-iinit na pakikipaglaban ni Kidlat sa ngalan ng kapayapaan at pagpuksa sa kasamaan. Mapapanood ang Kidlat, lunes hanggang byernes, 6:30 ng gabi pagkatapos ng Aksyon sa TV5. 


SOURCE:interaksyon


Tweets by @tv5fanatic